P2.42-B WARSHIP NG MGA MARINES ISINABAK SA GIYERA

Warship

CAVITE- ISINABAK ng Philippine Marines ang kanilang P2.42-B amphibious assault vehicle sa Joint Philippine-US-Japan Amphibious Landing Exercise kahapon

Matagumpay ang Joint Philippine-US-Ja­pan Amphibious Lan­ding Exercise na bahagi ng taunang joint military war exercise na tinawag na “KAMANDAG 2019” sa Marine Base Gregorio Lim,Ternate.

“ The Philippine Marine Corps (PMC) is using every opportunity it has to familiarize itself with its newly-acquired amphibious assault vehicles (AAVs) hence its constant presence in military exercises, “ ani  Philippine Marine spokesperson Capt. Felix Serapio,.

Ayon kay Serapio, ang landing ay siyang culmination sa amphibious combined interoperability training sa pagitan ng tatlong amphibious forces nang sa gayon mapalakas pa ang capabilities ng mga Marines sa kaparehong operasyon.

Naging daan para makabisado ng mga sundalong Pinoy ang mga bagong biling AAV’s na ginastusan ng P2.42 billion ng gobyerno.

Ang bagong biling amphibious capability ng Philippine Marines ay malaking booster sa abilidad nila para tumugon sa counter-terrorism scenarios, humanitarian assistance at disaster relief operations.

Personal na tinunghayan ni Deputy Commandant ng Philippine Marines Corps BGen. Ariel Caculitan ang nasabing aktibidad kasama si MGen. Paul Rock USMC, Commanding General, 3rd Marine Expeditionary Brigade (U.S.) at MGen. Shinichi Aoki, Commanding General Amphibious Rapid Deployment Brigade (Japan).

Sinabi ni Serapio ang Kamandag 3 ay joint exercises sa pagitan ng AFP at US Forces at nakilahok naman ang Japan.

Pahayag pa ni Serapio, ang KAMANDAG 3 ay paraan din para mapalakas pa ang al­yansa ng Filipinas sa international partners na  handang rumesponde sa anumang krisis sa Indo-Pacific region. VERLIN RUIZ

Comments are closed.