P2.5-B INCOME TARGET NG LEYTE GOVERNMENT

LEYTE

PUNTIRYA ng lokal na pamahalaan ng Leyte ang annual income na P2.5 billion mula sa compact farming sa 250 barangay na tinawag na priority ­areas  sa produksiyon ng high-value crops.

Batay sa mga karanasan, sinabi ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla na ang farmers’ organization sa barangay ay maaaring kumita hanggang P10 million para sa pag-a-apply ng modern farming technologies.

“Our target is to assist farmers’ groups in 250 villages. Through proper intervention, each village will generate an average of PHP10 million a year, or a total of PHP2.5 billion. This is really a big help to our local economy,” ayon kay Petilla.

Noong Abril, sakop  ng intervention ang 172 villages sa buong pro­binsiya habang prayoridad ang may matataas na record ng poverty incidence at mga kilala bilang hotbeds  o baluwarte ng New People’s Army.

Ang programa na tinawag na More Income in the Countryside (MIC) na isang compact farming para sa high-value vegetables at fruit crops kabilang ang organized group ng kababaihan at persons with disabilities.

Ang programa ay isinagawa pitong taon na ang nakalilipas makaraang i-address ang pangkabuhayan sa poor farmers.        EUNICE CALMA

Comments are closed.