P2.5 M CASH AID IPINAMAHAGI NG DILG SA 51 REBEL RETURNEES

CASH AID-2

ISABELA-AABOT sa P 2.5 milyong cash aid ang naipamahagi ng DILG-Isabela sa 51 rebel returnees na isinagawa sa compound ng Tactical Operation Group 2 ng Philippine Air Force (PAF)  sa Cauayan City sa lalawigang ito.

Dumalo sa isinagawang ika-12 Episode ng ‘UP-UP ISABELA’  sina Local Government Operation Officer-3 Rhonalyn Maguinad, Izza Jane D. Sucuano ng DILG Isabela, ilang opisyal ng DTI, TESDA, DSWD, NHA, DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Nabatid na bago ipinamahagi ang cash aid sa rebel returnees ay dumaan muna ang mga ito sa enrollment process ng programa ng gobyerno.

Samantala, ilan sa naipagkaloob sa mga sumukong rebelde at kasapi ng Militia ng Bayan ay ang immediate assistance na P15K bawat isa, bukod pa ang P50K halaga ng livelihood assistance sa bawat rebel returnee. IRENE GONZALES

3 thoughts on “P2.5 M CASH AID IPINAMAHAGI NG DILG SA 51 REBEL RETURNEES”

  1. 864166 544376Thank you for your quite excellent data and respond to you. I need to have to verify with you here. Which isnt one thing I often do! I get pleasure from reading a publish that can make people believe. Additionally, thanks for allowing me to remark! 110485

Leave a Reply

Your email address will not be published.