BULACAN – UPANG mapadali ang pagdakip sa apat pa na mga kawatan na sangkot sa kasong P30 million robbery sa bayan ng Balagtas.
Naglabas ngayon ng reward ang pamunuan ng Bulacan PNP ng halagang P2.5 milyon sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ng mga suspek.
Matatandaan, nitong Agosto 28 ganap na alas-10:35 ng umaga nang magpanggap na hihingi ng tulong ang mga suspek kabilang ang tatlong aktibong pulis kasama ang isang Police Major sa Saint Francis Subdivision, Brgy. Borol 2nd sa nabanggit na bayan.
Sa report na tinanggap ni OIC PNP Provincial Director Col. Satur L Ediong, pinasok ng mga kawatan ang tahanan ng negosyanteng si Emerson Magbitang bago nagdeklara ng hold-up.
Nabatid na tinanggay ng mga pulis na sina Major Armando Reyes, SSg Anthony Ancheta at PEMsg Ronnie Galion ang 6 na assorted cellphones, mga imported na lady bags at lady’s watch, isang Lenovo laptop, at pera.
Matapos ito’y mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng sasakyan na Avanza at kulay Gray Toyota Altis na may plakang NBY 4420.
Kaagad din namang nadakip ang mga pulis subalit bigong maaresto ang apat na iba pa na armado rin ng baril.
Samantala maaring matawagan ang mga telepono ng Balagtas Police na 09985985373 Bocaue PNP 09985985376 at Guiguinto Police na may kontak number 09985985381.
THONY ARCENAL