CAGAYAN DE ORO – TINATAYANG aabot sa mahigit P2.5 million ang halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang inabandona sa Port of Cagayan Oro ang sinamsam ng Bureau of Customs.
Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, bilang bahagi ng isinasagawa ang kampanya kontra illicit cigarettes, naglabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang Port of Cagayan de Oro laban sa 10,750 reams ng undocumented cigarettes na inabandona sa loob ng container van sakay ng isang ten-wheeler truck sa Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City.
Ayon kay Port of Cagayan de Oro District Collector Arthur G. Sevilla, Jr., nagsagawa ng joint operation ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) katuwang ang Regional Maritime Unit 10 at Regional Special Operations Unit 10, matapos na makatangap ng intelligence information mula sa Regional Director ng Police Regional Office 10 hinggil sa pagpasok ng illicit cigarettes.
Sa ginawang imbentaryo ng Customs examiner ay nakumpirma ang may sakay na 215 master cases ng Modern-brand cigarettes, na may kabuuang 10,750 reams na nagkakahalaga ng P2.5 milyon base sa kasalukuyang market rates ang container van.
Ang kontrabando ay sinamsam dahil sa paglabag sa Sections 1113 (f)(l) and 117 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sanhi ng kawalan ng kinakailangan Import Commodity Clearance (ICC) mula sa National Tobacco Administration (NTA).
Kinumpiska rin ang truck na ginamit sa pagbiyahe ng smuggled items na lumabag sa Sections 1113 (a) and (k) of the CMTA for carrying the smuggled cigarettes.
“This operation demonstrates our ongoing efforts in mitigating the dangers of illicit cigarettes. We will continue to collaborate with our partners in enforcement to ensure proper legal procedures are followed and hold those responsible accountable. This operation is part of our broader initiative to strengthen border security and enforce compliance with the law,” pahayag ni Rubio.
VERLIN RUIZ