MATAPOS ang magkasunod na linggong pagtataas ay may rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P2.60, diesel ng P1.55, at kerosene ng P1.60.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments sa alas-12:01 ng umaga ng parehong araw.
Noong Martes, Agosto 30, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.40, diesel ng P6.10, at kerosene ng P6.10.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang August 30, 2022, ang presyo ng gasolina ngayong taon ay tumaas na ng P19.55 kada litro, diesel ng P37. 80 kada litro, at kerosene ng P33. 20 kada litro.