P2.76-B PROJECTS SA UP

UP

MAGPAPATUPAD ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P2.76 bilyong halaga ng proyekto sa iba’t ibang campus ng University of the Philippines (UP).

Ayon sa DPWH, lumagda ito sa kasunduan sa UP para sa pagpapatupad ng 20 proyekto, kabilang ang konstruksiyon at renovation ng school building facilities, dormitories, public restrooms, gymnasium, water impounding lagoons, road network, at environmental research at outreach center.

May 12 proyekto ang ipatutupad sa Diliman campus, tatlo sa Los Baños, tig-iisa sa Manila, Cebu, Visayas, at Mindanao, at isa pa sa isang off-campus facility sa Puerto Galera.

“Projects in the Diliman campus include the P414 million rehabilitation and modernization of Gonzalez Hall-University Library; the P125-million University Health Service; the P72.45-million Molave Residence Hall; the P95.69-million Yakal Residence Hall; the P82.68-million Kamia Residence Hall; and the construction of P35-million UP Diliman Multipurpose Hall,” ayon pa sa DPWH. LORENZ S. MARASIGAN

Comments are closed.