P2.7M MARIJUANA PLANTS BINUNOT, SINUNOG

KALINGA-NASA P2.7 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng awtoridad sa Tinglayan ng nabanggit na lalawigan.

Sa patuloy na masusing pagbabantay at monitoring at pagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga kasapi ng Kalinga PPO, RID/RSOG/RPDEU, RIU 14 at PDEA-Kalinga kung saan ay nadiskubre ang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,350 square meters sa naturang lugar.

Ang naturang plantasyon ng marijuana na tinatayang nasa mahigit 13,000 na fully grown na ipinagbabawal na damo.

Ang naturang operasyon ay tinawag na “OPLAN 15 Muggles” na bahagi pa rin ng patuloy na kampanya para malinis ang mga drug-affected areas sa lalawigan ng Kalinga.

Samantala, ipinahayag ni P/Col. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO) na patuloy ang kanilang monitoring sa kanyang nasasakupan pigikan ang pqglaganap ng bawal na damo sa kanilang lugar. IRENE V. GONZALES

7 thoughts on “P2.7M MARIJUANA PLANTS BINUNOT, SINUNOG”

Comments are closed.