DAVAO DEL NORTE – TINATAYANG aabot sa P2.8 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang apat na silid-aralan ng Bernardo Carpio National High School sa bahagi ng Pioneer Village, Barangay Buhangin sa Davao City noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa ulat ng lokal na sangay ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-10 ng gabi nang magsimulang magliyab ang ilang silid-aralan matapos mawalan ng supply ng koryente sa nasabing pampublikong eskuwelahan.
Kabilang sa naabong silid-aralan ay ang mga laboratoryo para sa klase ng cookery, bread at pastry, dressmaking at classroom sa beauty care.
Lumalabas sa masusing sa imbestigasyon na electrical short-circuit ang isa sa sanhi ng sunog.
Pansamantalang ipagagamit ang bagong gawang school building at manghihiram muna ng mga gamit sa ibang paaralan. MHAR BASCO
Comments are closed.