P2-B BUDGET PARA SA NAT’L BROADBAND PROGRAM

DICT

PORMAL na ipinanukala ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) ang P2 billion budget sa susunod na taon para sa pagpapatupad ng National Broadband ­Program (NBP) sa bansa.

Ayon sa DICT, ang budget ay magpapabilis sa paglalatag ng NBP, na ina­asahang magpapabuti sa kalidad at magpapababa sa halaga ng internet services sa publiko.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Kamara na i-endorso ang panukalang budget para sa programa.

“We must pick up from our achievements we’ve had this year, so we are grateful for the support of our representatives. We hope other members of the Congress can support the initiative, which is now on its crucial stage,” pahayag ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio, Jr.

“We are convinced that the NBP can finally get rid of our country’s long standing issue of poor and costly Internet connection. The DICT is ready, capable, and determined to spearhead this initiative, as proven by our recent actions. We should get our acts together as public servants and not waste any more time,” dagdag pa niya.

Giit ng DICT official, pabibilisin ng budget ang implementasyon ng NBP kung saan lumagda ang ahensiya sa dalawang tripartite agreements upang simulan ang operasyon.

Noong nakaraang Hunyo ay lumagda rin ang DICT sa kasunduan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at sa National Transmission Corporation (TransCo) para sa paggamit ng 6,154 kilometer dark fiber network nito mula Luzon hanggang Mindanao.

Bukod dito, ang DICT ay lumagda rin sa kasunduan noong nakaraang Agosto sa National Electrification Authority (NEA) at sa Philippine Rural Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA) para sa pagkuha sa electric cooperatives bilang partners para sa middle mile connectivity.  PNA

Comments are closed.