P2-B BUWIS SA POGO WORKERS

Commissioner Caesar Dulay

TARGET ng pamahalaan na makakolekta ng P2 billion na buwis kada buwan mula sa mga dayuhang manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang inanunsiyo nina Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay at Deputy Commissioner Arnel Guballa sa cabinet meeting noong Lunes kung saan tinalakay ang pangongolekta ng buwis sa POGOs na karamihan sa mga empleyado ay Chinese nationals.

“Through an inter-agency task force composed of the BIR, DOJ, Bureau of Immigration, National Intelligence Coordinating Agency, and Department of Labor and Employment, the government was able to issue tax identification numbers to foreign workers, and as a result collect taxes from them,” ani Presidential Spokesperson Salvador ­Panelo.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Guballa na nakakolekta ang BIR ng P200 million  na buwis sa anim na POGO companies magmula nang ipatupad ang polisiya noong nakaraang buwan.

“It’s around P200 million [from six companies in the Pogo]…That’s just the start,” ani Guballa.

Nauna nang sinabi ni Dulay na nagpadala ang BIR ng letter-notices sa ilang  POGO service providers upang pagbayarin ang mga ito ng karampatang buwis bilang withholding agents sa ha­lagang P4.44 billion.

Binigyang-diin ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na lalaki pa ang  tax collections sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa sa sandaling maisyuhan silang lahat ng TINs.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.