P2 DAGDAG SA PASAHE BABAWIIN

LTFRB Chairman Martin Delgra

INAASAHANG magtutuloy-tuloy hanggang sa dulo ng taon ang mga bawas sa presyo ng petrolyo, ayon
sa isang opisyal

Sa pahayag ng LTFRB,  dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa buong mundo ay maaring irolbak din ang pasahe.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bukod sa presyo ng krudo kailangan din ikonsidera ang inflation rate sa bansa para tuluyang bawiin ang desisyon na taasan ang minimum fare.

Nauna nang iniutos ni Transportation  Secretary Arthur Tugade sa LTFRB na muling pag-aralan ang pagpayag na taasan ang pasahe sa Metro Manila, Regions 3 at 4.

Ipinatupad nitong nakaraang  Biyernes ang dagdag na piso sa pamasahe, ngunit  hindi kaagad nakasingil ang mga driver dahil sa kawalan ng fare matrix o taripa bunga ng mga araw na walang pasok dahil sa Undas.    NENET V.

Comments are closed.