P2-M AYUDA NG PCCCI SA MGA RESIDENTE NG TONDO NA BINAHA

ANG grupo ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCCI) kasama si Chinese Ambassador Huang Xi Lian at ang ang Presidente ng PCCCI na si Ginoong Arian Hao at mga kapwa negosyanteng Chinese ay namahagi ng tulong sa mahigit 2,000 pamilya sa Delfan Reclamation Area at Brgy. 529 Patricia Paraiso Complex, Tondo Manila,na pawang naapektuhan ng matinding baha dahil sa bagyong Carina at Habagat. Kuha ni EVELYN GARCIA

NAGBIGAY ng P2 milyong tulong ang grupo ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCCI) sa mahigit sa dalawang libong residente ng Delpan at Brgy. 529 Patricia Paraiso sa Tondo, Maynila.

Ang naturang relief operation ng PCCCI ay dinaluhan ni Chinese Ambassador Huang Xi Liang, PCCI President Arian Hao at mga kasamahan nito na pawang mga negosyante.

Ayon kay PCCCI President Hao, ito ang kauna-unahang relief operation na kanilang ginawa upang ipakita sa mga Pilipino na kahit hindi nagkakasundo ang dalawang gobyerno ay hindi sila kasali rito.

Dagdag pa ni Hao, layon ng kanilang relief operation na makatulong at makipagkapwa tao sa mga Pilipino lalong lalo na ang mga naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina na pinalakas ng habagat.

Dagdag pa ni Hao, na ang relief operation ay isasagawa pa sa iba pang mga naging biktima ng nasabing bagyong Carina at Habagat.

EVELYN GARCIA