P2-M DANGEROUS DRUGS NASABAT SA NAIA

drugs

PASAY CITY – NALAM­BAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa magkakahiwalay na operasyon ng mga ito ang aabot sa P2 milyon halaga ng illegal drugs.

Kabilang sa mga nasabat na droga ay kinabibilangan ng 0.27 kilo ng shabu na nakatago sa envelop, at galing sa isang J.C. Crisostomo ng Marilao, Bulacan, at nakatakda itong ipadala kay Abraham Salas ng Bahrain.

Ang 54 kilo na ­ecstacy na may halagang P1.7 milyon  na nagmula pa sa Netherlands ay itinago naman ito sa loob ng printer, at naka-consignee  sa isang Cristian Chan ng San Juan, Metro Manila.

Habang ang dalawang shipment ng marijuana (hemp gummy candies, tuyong dahon ng marijuna) ay idineklarang pancake mix at lotion na ipinadala mula sa United States, kung saan naka-consign naman ito sa isang Steven Marple ng Antique at Betty Lu ng LCG Marketing sa Cagayan de Oro.

Ang 0.135 kilogram ng cocaine na idinekla­rang laruan na nagmula sa United States ay na naka-consign sa isang Jose Maristela ng Makati City.

Ayon kay Port -NAIA District Collector Mimel Talusan, mayroong nakapagsabi sa kanya  na minsan may isang kadarating lamang na pasahero na may dalang gamot para sa kanyang asthma pero nasa listahan ng PDEA bilang isang dangerous drug.    FROI MORALLOS

 

Comments are closed.