NAHARANG sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 1,115 ecstacy tablets na tinatayang aabot sa P2,027,800.00 milyon ang halaga.
Ayon sa mga awtoridad ang mail parcel na ito ay mula sa The Netherland at Germany na itinago sa loob ng limang parcel.
At batay sa impormasyon na nakalap ang consignees ay mga taga Caloocan, Mandaluyong, Bulacan at Davao.
Nadiskobre ang mga droga makaraang dumaan sa X-ray at physicals examination ng mga customs examiner at tumambad sa kanila ang 26.4 gramo ng ecstacy tablets na magkakaibang kulay.
Agad na inilipat sa mga taga PDEA ang mga naturang droga para sa gagawin pagsasampa ng kaso laban sa mga consignee dahil sa paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act na may kaugnayan sa section 1401 at RA 10863 o tinatawag na Customs Modernization and Tariff . FROILAN MORALLOS