P2-M MARIJUANA PLANTATION SINIRA NG MGA PULIS

Marijuana

BENGUET – PINAGSISIRA ng mga tauhan ng Cordillera Police ang apat na magkakahiwalay na taniman ng marijuana sa Tacadang, Kibungan.

Ayon kay Police B/Gen. Rwin Pagkalinawan, Regional Director ng Cordillera Police, aabot sa  2,000 square meters ang lawak ng pinagsama-samang taniman na kanilang natagpuan kahapon sa Sitio Lamangan.

Isa-isang pinagbubunot ang mga tanim na marijuna.

Ilan sa mga ito ay susunugin habang ang iba naman ay itatabi sa crime laboratory.

Tinatayang nasa P2 million ang halaga ng mga sinirang pananim.

Samantala, sa hiwalay naman na operasyon sa Sitio Tabrac, Barangay Anabel, at Sadanga, Mountain Province, dalawang suspek ang arestado makaraang makuhanan ng mahigit apat na kilo ng marijuana.

Ang mga nahuli ay nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REA SARMIENTO

Comments are closed.