BENGUET-TINATAYANG aabot sa P2 milyong halaga na marijuana plants na sinasabing nakatanim sa 3 plantasyon sa kabundukan na sakop ng Kibungan ang sinilaban ng mga operatiba ng pulisya noong nakalipas na Linggo.
Sa ulat na nakarating kay Benguet police director Col. Reynaldo Pasiwen, nadiskubre ng kanyang mga tauhan ang 2,550 fully-grown marijuana plants na may value na P510, 000 na nakatanim sa 670 square meter sa Mt. Puso, Tacadang sa bayan ng Kibungan noong Biyernes (Marso 19).
Samantala, ginalugad din ng Drug Enforcement team ang dalawa pang plantasyon sa Sitio Beses at Culian sa Tacadang kung saan nadiskubre ang 7,600 fully-grown marijuana plants na may street value na P1,520,000.00.
Ipinag-utos naman ni Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan na silaban lahat ang marijuana plants habang nagsagawa naman ng pagsasaliksik ang mga operatiba ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng cultivators ng marijuana plants para sampahan ng kaukulang kasong kriminal. MHAR BASCO
943673 865686Wonderful activity! 153178