BENGUET – UMAABOT sa P2,080,000.00 ang halaga ng Marijuana plant ang pinagbubunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa nadiskubreng tatlong taniman ng marijuana sa Sitio Manggahan, Brgy. Kayapa, Bakun ng lalawigang ito kahapon.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nagsagawa ng marijuana eradication operation ang kanilang mga operatiba mula sa PDEA RO I-Ilocos Norte Provincial Office (PDEA RO I-INPO), PDEA RSET, PDEA Seaport Interdiction Unit, PDEA La Union Provincial Office, PDEA Cordillera Administrative Region, Philippine Army 501st Infantry Brigade 5ID, 51st Division Reconnaissance Company, at Signal 1st Brigade Signal Support 5th Battalion nang madiskubre ang mga naturang taniman na tinatayang may lawak na 1,550 square meters.
Sinasabing nasa 10,400 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga awtoridad.
Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga tauhan ng gobyerno mula sa nadiskubreng taniman.
VERLIN RUIZ