LAGUNA- NASABAT ng mga operatiba ang mga pekeng sigarilyo umaabot sa halagang P2 milyong sa isinagawang buy bust operasyon sa San Pablo City sa lalawigsng ito.
Batay sa report ng Calabarzon Police ang nasakote ay kinilala lamang sa Alyas Ruby, 49-anyos na residente ng Barangay Concepcion, San Pablo City.
Base sa report ang suspek ay naaresto sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Calabarzon Intelligence Division kung saan nakumpiska ang limang klase ng brand ng mga pekeng sigarilyo.
Ayon sa pahayag ni Lt. Colonel Vicente Cabatingan, ang supplier umano ng mga nasabat na kontrabando ay mga Chinese at ang nasakoteng suspek ay isang distributor.
Ang naturang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.
EVELYN GARCIA