CAVITE- NAG- ALOK ng dalawang milyon pisong reward ang lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City sa sinumang makapagtuturo sa pumatay sa negosyanteng si Wilson Tibayan nitong Abril 19.
Sa nabanggit na pabuya, P100, 000 dito ay nagmula kay Dasmariñas City Mayor Jenny Austria Barzaga.
Ang biktima na nagmamay- ari ng food chain business at meat consession ay pinasok sa loob ng bahay nito at saka pinagsasaksak ng 52 beses sa iba’t-ibang ibang bahagi ng katawan mula sa umano’y hired killers sa bahay nito sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon kay Col. Julius Baybado Balano, Dasmariñas City Police chief, pagkatapos isagawa ng tatlong suspek ang paghahalughog sa mga cabinet ng biktima at nilimas ang nasa kabuuang P2. 5 milyong cash, alahas at maging ang
Toyota Hilux pick-up ni Tibayan ay ginamit na get away vehicle ng mga suspek patungong Metro Manila.
Nauna nang bumuo ang Calabarzon PNP ng 7- man special investigation team para tumutok sa kalalabasan ng kaso gayundin ang pagbuo ng tracker team na tutugis at dadakip sa mga salarin. ARMAN CAMBE