P2-M SHABU NASAMSAM SA 2 BABAENG TULAK

NASAKOTE sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City police ang dalawang drug suspects kung saan nakumpiska sa mga ito ang P2.04 milyong halaga shabu nitong Biyernes ng gabi.

Sa report na naisumite kay Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg, kinilala ang mga suspek na sina Charmaine Ann Escarlan, a.k.a. Char, 28-anyos at Airene Ramos, 26-anyos, kapwa residente ng Las Piñas City.

Ayon kay Macaraeg, matagumpay na naisagawa ng mga operatiba ng SDEU ang ikinasang drug buy-bust operation dakong alas-9:30 ng gabi sa kahaban ng Zapote River Drive, Barangay Zapote, Las Piñas City.

Isinailalim ang mga suspek sa surveillance operation bunsod ng impormasyon na natanggap ng SDEU.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang tatlong malalaking transparent ice plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000 at isang maroon shoulder bag.

Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay naiternober sa SPD Forensic Unit para isailalim sa chemical analysis habang ang mga suspek ay nakapiit sa Las Piñas City police detention facility.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 o illegal possession of prohibited drugs ang mga suspects sa Las Piñas City prosecutor’s office. MARIVIC FERNANDEZ