P2 MILYON PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA KILLER NG ANAK NG KONGRESISTA

CAGAYAN DE ORO- DALAWANG milyong piso ang pabuya ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro para sa makapagtuturo sa pumaslang sa anak ni 1st District Rep. Rolando Uy.

Pinatay si Roland Sherwin Uy, na isa ring barangay kagawad sa lungsod, nang pagbabarilin habang nasa quarry site noong Nobyembre 11.

“I am announcing that the City Government of Cagayan de Oro is offering a cash reward of Two Million Pesos to anyone who can give information that would lead to the identification, arrest and prosecution in court of those responsible for the killings,” sabi ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno sa isang pahayag.

Nagtamo ng 6 na tama ng bala sa katawan si Uy.

Napatay rin sa insidente ang caretaker ng quarry.

Ayon sa imbestigasyon, isang nagpakilala umanong kostumer ang bumaril sa dalawa.

Naniniwala ang mga awtoridad na may kasabwat ang gunman.

Nauna nang inihayag ni Philippine National Police chief Lt. Gen. Dionardo Carlos na inutos na niya ang malalim na pag-imbestiga sa pagpatay kay Uy.