P2-MILYONG BOUNTY SA NINJA COPS

droga10

NANANATILI ang 2-milyong pisong bounty na alok ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bawat tinaguriang “ninja cop”  na nagre-recycle ng kanilang mga nakukumpiskang droga.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, hindi pa naman binabawi ng Pangulong Duterte ang bounty para sa sinumang makaaaresto o makakapatay sa mga ninja cop.

Sa pagdinig sa Senate Justice and Human Rights Committee ay kinumpirma ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ma­raming opisyal ng Philippine National Police na pawang mga nasa active service ang sangkot sa umano’y illegal drugs recycling.

Isiniwalat ni Magalong na ang mga nire-recycle na droga ng  ninja cops ay yaong mga nakumpiska nila sa kanilang mga lehitimong operasyon.

Ayon kay Nograles, galit na galit si Pangulong Duterte sa ninja cops at pursigido itong malinis ang hanay ng pulisya sa nalalapit na panahon.

Sinabi pa ni Nograles na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon kasama na rito ang mga ibinulgar ni Mayor Magalong sa executive session sa Senate investigation. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.