P20-B NALIKOM MULA SA T-BILLS AUCTION

NAKALIKOM ang Bureau of the Treasury (BTr) ng P20 billion mula sa fTreasury bills (T-bills) auction nitong Lunes.

Ang BTr ay lubos na tumanggap ng bids para sa T-bills.

Ang 91-, 182-, at 364-day T-bills ay nakakuha ng average rates na 5.779 percent, 6.014 percent, at 6.108 percent, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang PHP Bloomberg Valuation Service reference rate ay 5.729 percent para sa three-month tenor, 6.039 percent para sa six-month tenor, at 6.158 percent para sa one-year tenor.

Ang auction ay 1.8 beses na oversubscribed, umakit ng P36.0 billion na total tenders.