KABILANG ang P20 new generation currency (NGC) coin sa mga finalist sa ‘best new coins’ sa International Currency Awards, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, ang P20 NGC coin ay isa sa mga finalist para sa Excellence in Currency 2022 Awards sa ilalim ng Best New Coin or Series ng International Association of Currency Affairs (IACA).
Ang mga finalist ay pinili mula sa 39 nominated projects ng 20 central banks, tatlong commercial banknote issuers, siyam na suppliers sa banknote industry, at isang banknote distribution system.
Ang mga mananalo ay iaanunsiyo IACA, isang international exchange para sa consultation at collaboration sa cash payments cycle, sa Pebrero 22, 2022.
Ang P20 NGC coin ay opisyal na inilunsad noong 2019, na nagtatampok kay dating Presidente Manuel Quezon sa harapan at ng BSP logo at ng Malacañan Palace sa likuran.