P20 KADA KILO NG BIGAS, ‘DI KAKAYANIN

BINIGYANG  diin ng grupo ng magsasakang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So kamakailan na hindi kakayaning ibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas na target maipatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil umano sa patuloy na pagtataasan ng halaga ng farm inputs sa bansa.

Ito ang tahasang ipinaliwanag ni So sa panel ng House Committee on Agriculture and Food sa nakaraang pagdinig bilang bahagi ng oversight function at pag-revisit ng Kamara limang taon matapos ipatupad ang Republic Act 11203 o Rice Tarrification Law, at nabigo aniya nitong mapababa ang presyo ng bigas. “For example ang fuel 3 years ago ay P29 per liter, ngayon ay P58, gagamitin mo hanggang sa patubig ka gagamit ka ng fuel,up to harvest time gagamit ka ng fuel kailangan ng mechanization.Talagang yun ang production cost tumaas and yung fertilizer na dating P800 ngayon umaabot ng P1,400. Umaabot pa ng P3,000.So yung cost of.production tumaas.Kaya yung P20 na sinasabi,wala talaga. Di talaga kaya yun,”ang sabi ni So.

“Yung farm gate na lang ngayon dito sa atin e umaabot na ng P25 hanggang P26 yung fresh harvest.So ang equivalent nun ay between P47 to P52 sa retail price kung regular mill.Well milled rice so yung target natin na tinatarget dati ng ating president talagang mahihirapan,”dagdag ni So.

Ayon kay So,kahit sa pangdaigdigang merkado ang mga presyo ng mga bilihin at farm inputs ay nagtataasan.

Maging ang mga farm gate prices ng bigas umano sa mga karatig bansa ng Pilipinas ay tumaas.Katulad aniya ng India, Thailand o Vietnam,kung dati aniya ay P12 lamang ang presyo kada kilo ngayon ay P21 kada kilo na, sabi ni So.

Samantala sa naturang pagdinig, hinilling na rin ni So na taasan ang budget ng RTL mula sa panukalang P15 billion sa P30 billion dahil sinabi aniya sa kanila ng isang Customs Commissioner na umabot sa P30.5 billion ang tariff collection nito.

“We are asking for a budget of RTL to increase to P30 billion not P15 billion.Because the collection of custom reached P30.5 billion, according to Commissioner Rubio when we met one month ago.So since our import this year will be also reaching P3.7 to P3.8 million metric tons.So for 2024, we are looking at more than P30 billion collection.We asked the Commissioner for the reference price , because they are just collecting the importer at $500 dollars per metric tons.We told the Commissioner to check the import because the reference price is between $580 to $600.For the amount of $100 per metric tons….The last time we talked to the Commissioner he agreed to collect $550 per metric ton.Sana naimplement yun no?So additional $3.8 billion na sa rice tariff collection.Yun ang nakikita natin.Sana ma increase yung P15 billion to higher.Maga-apppeal din kami kay Secretary Ralph (Recto),” sabi ni So.
ML MACABUHAY GARCIA