P20/KILO NG BIGAS SA CEBU

PINAPURIHAN  ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Sugbo Merkadong Barato Program ng Cebu dahil sa pagbebenta ng murang bigas sa P20 kada kilo lamang.

Sinabi ni Romualdez na sa panahon ngayon ng inflation, lubhang nakamamangha na may nakapagtitinda ng de kalidad na bigas na P20 kada kilo lamang. Sa kasalakuyan ang halaga ng bigas ay nagsisimula sa P40 pataas kada kilo.

“This signifies a pivotal step towards achieving food security and economic resilience for the nation,” ang mensahe ni Romualdez sa pagkakalunsad ng programa sa Talisay City Hall.

“Tunay po na makasaysayan ang araw na ito para sa bansang Pilipinas. Ngayong araw, napatunayan ng mga Sugbuanon na hindi imposibleng makamit ang pangarap na magkaroon sa merkado ng de-kalidad na bigas sa halagang 20 pesos bawat kilo,” sabi nito.

“Rather than curse in the dark, people of Cebu chose to rise to the challenge and seek innovative ways to address the high prices of rice and other basic goods brought by global inflation,” sabi niya.
Ipiinakita ng mga taga Cebu sa buong bansa ang tibay ng mga Sugbuanon sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay.” Sa halip na magmukmok at sumuko, pinatunayan ninyo na hindi imposibleng makamit ang ating mga pangarap kung magtutulungan lamang tayong mga Pilipino,” dagdag pa ni Romualdez.

“The Cebu Provincial Government’s initiatives, including the Bugasan sa Kababayen-an sa Barangay, the localization of Kadiwa ng Pangulo, and the groundbreaking Sugbo Merkadong Barato, are all commendable steps towards making food more accessible and affordable,” diin ni Speaker.

As we launch the Sugbo Merkadong Barato today, let us remember that this initiative is more than just about providing affordable rice. It is about building a stronger, more self-reliant Cebu and, by extension, a stronger Philippines,” sabi pa ni Romualdez. Ma. Luisa Garcia