P20-M SA UMAK SCHOLARSHIP PROGRAM

UMAK

NAGLAAN ang Makati City Subway Inc. (MCSI), ang corporate vehicle na magtatayo sa Makati subway system, ng P20 million para sa scholarship program sa mga estudyante, graduate at professor ng University of Makati (UMak).

Lumagda ang MCSI at UMak sa isang memorandum of agreement noong Biyernes para sa naturang scholarship program,  na popondohan ng kom-panya, para sa qualified students, graduates at professors ng unibersidad.

“Under the MOA, qualified students, graduates or professors of Umak will have the opportunity to study and graduate from the College of Civil Engineering of Tongji University in Shanghai, China, a Class A university renowned for its engineering, business and architecture programs; its civil engineering department has consistently ranked first in China for decades,” ayon sa kompanya.

“Graduates of the scholarship program shall be given guaranteed employment by MCSI for management and/or technical positions in the Makati Subway System,” dagdag pa nito.

Noong October 2018 ay iginawag ng pamahalaang lokal ng Makati ang public-private partnership project sa consortium of Philippine Infradev (da-ting  IRC Properties).

Ikokonekta ng Makati subway ang key points sa Makati tulad ng Central Business District sa kanto ng Ayala at Sen. Gil Puyat Avenues, Circuit City, Makati City Hall, University of Makati, Ospital ng Makati at iba pang bagong growth areas sa lungsod.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.