UMABOT sa P20 milyong halaga ng shabu ng nakumpiska sa magdamag na malawakang operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kontra ilegal na droga.
Ayon sa NCRPO, ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli ng milyong halaga ng ilegal na droga at pagkaka aresto ng pitumpu’t isang indibidwal.
Paliwanag ng NCRPO, patunay ito ng pagtitiyak ng kanilang opisina na buburahin ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan at protektahan ang komunidad mula sa masamang epekto nito.
Maliban sa operasyon kontra ilegal na droga, nagsagawa rin ang NCRPO ng iba’t ibang operasyon kontra sa ilegal na sugal kung saan mahigit isandaang indibidwal ang naaresto habang labing pito katao naman ang nadakip dahil sa ilegal na pagdadala ng baril.
Pinasalamatan ni NCRPO Regional Director BGen. Anthony Aberin ang mga operatiba nito sa kanilang trabaho at ipinaalala ang kahalagahan ng kanilang guiding principles na ABLE, ACTIVE at ALLIED (AAA) police officers.
CRISPIN RIZAL