NANANATILING legal tender ang P20 banknote at maaaring gamitin kasama ang P20 coin para sa transaksiyon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“P20 bill will be gradually removed from circulation through natural attrition or until a banknote is no longer fit for recirculation,” sabi ng BSP sa isang statement.
“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) advises the public that the 20-Piso New Generation Currency (NGC) banknotes remain as legal tender and can be used alongside the 20-Piso NGC coins for day-to-day transactions,” nakasaad pa sa statement.
Muli ring nanawagan ang BSP na i-recirculate ang P20 coins dahil may ilan umanong itinatago ito sa coin banks bilang savings.
“The BSP enjoins the public to properly use and to recirculate Philippine coins for their economic and cultural value,” anang central bank.
Ang bicolor P20 coin ay ipinalabas noong December 2019 kung saan nakalagay sa harap si dating Pangulong Manuel Quezon at naka-display naman sa likod ang logo ng BSP, ang Palasyo ng Malakanyang, at ang native flora na Nilad.
Ang P20 ang most used denomination sa lahat ng circulated Philippine money, ayon kay BSP. Gov. Benjamin Diokno.
194537 150834I view something genuinely unique in this site . 738288
208318 989505Thank you for your very excellent info and feedback from you. san jose car dealers 337106