INAASAHANG ilalabas na sa Oktubre ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang dagdag na sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila o sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, batay sa Wage Board, P20 ang idaragdag sa minimum wage ng mga kawani na nasa Metro Manila.
Aminado si Bello na hindi sapat ang P20 na umento sa sahod subalit ito lamang aniya ang kakayanin ng mas nakararaming employers.
Sakaling nagkabisa ang bagong wage order, magiging P532 na ang minimum wage mula sa kasalukuyang P512.
Bagaman ikinagalak ng mga minimum wage earner ang balita, ilan pa rin ang umaangal dahil mataas anila ang presyo ng bilihin at maging ng iba pang bayarin. DWIZ882
Comments are closed.