P200-M FISH CENTERS SA MINDANAO POPONDOHAN NG EUROPEAN UNION

MINDA-1

TINUKOY ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang 22 ‘fish centers’ na may ice-makers, cold storage at  processing facilities na matatagpuan sa halos bawat coastal province ng Mindanao na popondohan sa ilalim ng Mindanao Peace and Development Program (MINPAD) ng European Union.

Sa isang statement, sinabi ni  Secretary Emmanuel Piñol na ang mga fish center na tinatayang magkakahalaga ng P200 million, ay magiging interconnected sa pamamagitan ng digital platform na magmo-monitor sa araw-araw na huli at maglalagay ng market linkage.

Aniya, ang mga pasilidad ay inaasahang magpapalakas sa fisheries at aquaculture productivity sa Mindanao habang iniaangat ang fisheries sector upang makasunod ito sa  international standards against unreported and unregulated fishing (IUUF) at matiyak ang  traceability.

“During the final planning workshop of MinDA on Friday, the Mindanao Fisheries and Aquaculture Development (MINFAD) was identified as one of the critical programs which could address poverty in Mindanao, increase productivity and trigger the region’s economic recovery post-Covid 19 (coronavirus disease 2019),” wika ni Piñol.

Bukod sa suporta sa fisheries, tinukoy rin ng MinDA bilang priority commodities para sa funding support ang coconut, rubber, corn, banana, organic rice, poultry at small ruminants, vegetables, at  high-value crops.

“Interventions in these commodities will be guided by the Complete Value Chain Policy advocated by MinDA for the Agriculture and Fisheries sectors in Mindanao. Regions identified for Area-Based Programs are Zamboanga, Bangsamoro, and Caraga while the Mindanao Water Supply Program is also included as a special program,” dagdag ng kalihim.

Ang funding para sa  MINPAD Projects ay magmumula sa P2.1-billion EU grant fund na nilagdaan kamakailan sa pagitan ng EU Delegation sa Filipinas at ng Philippine government sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF).

Target, aniya, ng  MinDA na simulan ang implementasyon ng naturang mga proyekto ngayong taon.    PNA

Comments are closed.