ABRA – UMAABOT sa P200,000 ang halaga ng mga alahas na tinangay umano mula sa bahay ng isang evacuee habang nananalanta ang Bagyong Ompong sa lalawigan.
Ayon kay Chief Insp. Dominador De Guzman, hepe ng Bangued Municipal Police Station, nadatnan ng biktimang si Wilma Tadeo na bukas na ang pinto sa likod ng kanyang bahay matapos umuwi galing sa evacuation center.
Natukoy umano ng ginang na wala na ang kanyang mga mamahaling gamit na nakatago sa kuwarto.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng inside job o may sabwatan sa insidente.
Sa ngayon mayroon ng person of interest ang pulisya. REY VELASCO
Comments are closed.