MALABON CITY – MAGBIBIGAY si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta ng P200,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormasyon para sa pagkakaaresto sa gunman na pumatay sa isang pulis sa Malabon kamakailan.
Kinondina r in ni Mayor Oreta ang pagpatay kay P/SSgt. Orland “Lucky Boy” De Leon ng Malabon Police Station Drug Enforcement Team (SDET) at inatasan din nito si City Police chief P/Col. Jessie Tamayao para sa agarang pagka-karesolba sa kaso.
Si PSSgt. De Leon ay kilala sa kanyang mahigpit na kampanya kontra sa ilegal na droga kung saan ilang notoryus drug pusher na rin sa lungsod ang naaresto nito sa mga drug operation.
Alas-6:11 ng gabi noong Hulyo 17 nang tambangan si De Leon sa Araneta Avenue, Brgy. Potrero habang pauwi ito sakay sa kanyang motorsiklo. EVELYN GARCIA