P20K PENSION SA VETERANS PASADO NA SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7525 na layong taasan ang buwanang pensiyon ng mga war veteran.

Sa botong 239-0 ay pasado na sa Kamara ang panukala na itataas sa P20,000 ang old age pension ng mga senior war veterans mula sa dating P5,000.

Sa ilalim ng panukala na pangunahing iniakda ni Bataan Rep. Geraldine Roman, sakop ng old age pension increase ang mga bete­rano ng World War II, Korean War, at Vietnam War na hindi nakatatanggap ng pensiyon mula sa Armed Forces of the Philippines.

Kapag naging ganap na batas, ang entitlement sa old age pension increase ay limitado lamang sa mga nabubuhay na beterano at hindi ito transferable sa sinumang miyembro ng pamilya o dependent ng senior citizen.

Malaki umano ang maitutulong sa dagdag na old age pension sa mga beterano para makapamuhay ng disente at may dignidad.  CONDE BATAC

Comments are closed.