P22.5-M HALAGA NASUNOG SA BORACAY

boracay

BAGO nagwakas ang Fire Prevention Month ay muling sumiklab ang sunog sa pamosong Island resort ng Boracay, sa Malay lalawigan ng Aklan  kaya nag­lunsad ng masusing imbestigasyon ang PNP Arson Division at Bureau of Fire Protection.

Nabatid na umaabot sa P22.5 million ang inulat na naging danyos sa malaking sunog kamakalawa sa  isla ng Boracay.

Naapektuhan ng panibagong sunog ang ilang  establisimiyento at ari-arian sa Barangay Balabag sa nasabing isla.

Ayon sa BFP-Boracay, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng hapon at natapos pasado alas-3:00 na tumupok sa nasa 60 establisimiyento at kabahayan.

Ayon kay F/Senior Inspector Lorna D. Parcellano, hepe ng  Bureau of Fire Protection (BFP) ng Malay town na umaabot sa 60 na istruktura ang nilamon ng apoy.

Kinilala naman ang dalawang sugatan na sina barangay kagawad  Rey Sastre at  Verjun Gregorio na nagtamo ng first-degree burn at mga sugat sa ulo.

Mabilis na  kumalat ang apoy sa nakahanay na mga imprastraktura na nagtitinda ng mga dry goods at iba pang mga commercial establishments dahil pawang gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Mas lalo pang lumaki ang apoy dala ng malakas na hangin sa isla bukod sa umano’y atrasado rin ang tawag sa mga pamatay sunog.

Naabo rin ang ilang mga bahay na nasa likod lamang ng natu­rang mga establisimi­yento kasama ang mga boarding house na tinutuluyan ng mga manggagawa sa island resort.

Pebrero 26, sinasabing nasa mahigit P1 milyon din ang natupok sa Sitio Bulabog noong Enero 27, may 35 kabahayan din ang natupok kasama ng tatlong commercial buildings sa Barangay Manoc-Manoc, at nasa mahigit P20 million din ang naging damage. VERLIN RUIZ

Comments are closed.