NAG-ALAY ng panalangin ang pamahalaan ng Amerika sa libo-libong pamilya na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol sa Southern Mindanao habang nag-donate ang China ng P22 million para sa mga pangangailangan ng mga nasa evuation centers.
”I would like to offer our sincerest condolences to the victims of yesterday’s earthquake in Mindanao. To those in affected communities, please stay safe and know that our thoughts and prayers are with you,” sabi ni US Ambassador to the Philippine Sung Kim sa kanyang Tweet message.
Sinabi naman ng embahada ng China sa Filipinas na layunin ng kanilang ayuda na matulungan ang mga biktima at suportahan ang disaster relief efforts ng gobyerno sa Mindanao para mabilis na makabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga apektadong residente.
“China believes that, under the strong leadership of President Rodrigo Roa Duterte and the government of the Philippines, the Philippine people will overcome the disaster and rebuild their homeland as soon as possible,” nakasaad sa inilabas na pahayag ng Chinese Embassy sa Manila.
Sa ulat ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) Philippines, nasa mahigit 20, 600 ang bilang ng displaced persons bunsod ng tatlong magkakasunod na major earthquakes na yumanig sa ilang bayan sa Mindanao.
Umakyat na sa 29,349 pamilya o 146,745 katao ang direktang naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Karamihan sa nasabing mga pamilya ay nasira ang mga bahay dulot ng mga pagyanig.
Sa tala ng NDRRMC, umaabot sa 149 barangays ang apektado sa Regions XI at XII.
Sa nasabing bilang umaabot sa 4,127 pamilya o 20,635 katao ang nananatili sa 27 evacuation centers samantalang 1,370 pamilya naman ang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Sa datos ng NDRRMC, nananatiling 17 ang bilang ng casualties samantalang marami pa rin ang nananatili sa mga pagamutan dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.
Sa report pa rin ng NDRRMC, aabot sa 28,222 imprastruktura ang nasira, partikular na sa Regions IX, X, XI, XII at Bang-samoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa mga nawasak ang 27,350 bahay, 757 eskuwelahan at 37 health facilities. VERLIN RUIZ
Comments are closed.