UMABOT na sa kabuuang P22 mil lion ang naipalabas ng Small Business (SB) Corp. sa may 286 micro and small enterprises (MSEs) sa ilalim ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program hanggang noong Hulyo 8.
Sa kabuuang CARES loan beneficiaries, 71 ang nagmula sa Calabarzon Region, 52 sa Metro Manila, 46 sa Cordillera Administrative Region, 25 sa Bicol Region, 22 sa Central Visayas, 26 sa Eastern Visayas, 18 sa Mimaropa Region, 12 sa Cagayan Valley Region, pito sa Western Visayas, anim sa Ilocos Region, at isa mula sa Caraga Region.
Ang SB Corp., ang financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI), ay nagsimulang magpalabas ng CARES loan noong Hulyo 3.
Sa kasalukuyan, ang SB Corp. ay nakapag-apruba na ng 2,419 applications na may aggregate loan na nagkakahalaga ng P78.2 million.
Ang DTI ay may initial budget na P1 billion para sa CARES program.
Subalit sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang kabuuang CARES loan applications ay umabot na sa mahigit P2 billion.
“For extra funds needed, we will use our other P3 (Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso) portfolio fund which is about PHP3.5 billion,” ani Lopez.
Maaari rin aniyang lumapit ang SB Corp. sa state-owned banks Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines para sa karagdagang pondo sa CARES program.
Inilunsad ng DTI ang CARES program upang tulungan ang MSEs na makarekober mula sa pagkalugi sa panahon ng lockdown dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na maisalba ang mga negosyo at trabaho sa gitna ng pandemya.
Ang CARES program ay nagkakaloob ng zero-interest loans na hanggang P500,000.
Nakipagpartner din ang SB Corp. sa pinakamalaking business organization sa bansa, ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), para sa CARES program.
Ang SB Corp. at PCCI ay lumagda sa isang memorandum of agreement na magkakaloob sa PCCI members ng madaling access sa loan program para sa MSEs.
“This is a landmark agreement for PCCI as we assist our members in their recovery efforts. We see a bright future in our relations with SB Corp. whose primary mandate is to financially assist the very small enterprises who need the support most,” wika ni PCCI President Benedicto Yujuico. PNA
Comments are closed.