P224K SHABU, KUMPISKADO SA PASIG

ARESTADO ang isang lalaking nagbebenta ng droga na nasa high value individual sa Unified Drug Watchlist sa isinagawang illegal drug sting operation ng EPD Drug Enforcement Unit.

Alas-7:45 ng gabi kamakalawa nang masakote ang suspek sa Brgy Malinao, Pasig City.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PBGen Asueta, district director, mula kay Chief DDEU, EPD, kinilala ang suspek na si alyas “Michael”, 30 anyos , walang trabaho at residente ng Pinagbuhatan, Pasig City.

Base sa isinagawang imbestigasyon matapos ang sunod-sunod na surveillance at may maayos na koordinasyon sa PDEA, opisyal na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga nabanggit na operatiba laban sa suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at pagkumpiska ng mga puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 33 gramo. na may tinatayang halaga na P224,400.00.

Ipinaalam sa suspek ang uri ng pag-aresto sa kanya at ipinaalam sa kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa isang diyalektong kilala sa kanya.

Pagkaraan ay dinala ang naarestong suspek sa opisina ng DDEU para sa kaukulang dokumentasyon at binigyan ng medikal na pagsusuri sa Rizal Medical Center at pagkatapos ay itinurn-over sa EPD Forensic Unit para sa Drug Test.

Ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya ng iligal na droga ay isinumite din para sa Laboratory Examination.
ELMA MORALES