P23-B SA PENSIYON NG ‘SENIORS’

Rep-Luis-Jose-Angel-Campos-Jr

SA pagtaas ng bilang ng senior citizens na makatatanggap ng buwanang pensiyon sa ilalim ng panga­ngasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula sa susunod na taon, dinagdagan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo na ilalaan para rito.

Ito ang inihayag ni House Deputy Minority Leader at 2nd District Makati City Rep. Luis Jose Angel N. Campos Jr., kung saan sinabi niya na sa ilalim ng P3.757 trillion na panukalang 2019 national budget, umaabot sa P23.18 billion ang nakalaan para tustusan ng Duterte gov’t. ang pagbibigay ng monthly subsidy sa mga senior citizen.

Ayon sa Makati City lawmaker, ngayong taon ay nasa P19.28 billion ang budget ng DSWD sa nasabing programa nito kung saan nasa tatlong milyong senior citizens ang nakatatanggap ng P500 monthly allowance.

Sa pagpasok ng 2019, sinabi ni Campos na madaragdagan ang bilang ng mga matatanda na mabibigyan ng buwanang pensiyon na ito, na mula tatlong milyon ay gagawing nasa 3.8 million na ang kanilang bilang.

“The target is to extend the monthly subsidy to an additional 800,000 impoverished seniors. This explains the 20-percent or P3.9-billion increase in the allocation,” dagdag pa ng House deputy minority leader.

Bagama’t naniniwala si Campos na malaking tulong sa senior citizens ang financial benefits na ito, umapela siya sa kanyang mga kapuwa kongresista na suportahan ang kanyang panukala na itaas ang halaga ng nasabing buwanang ayuda na ibinibigay ng pamahalaan.

“We want the monthly stipend for poverty-stricken seniors bumped up to P2,000, considering that Congress has not increased the original P500 since 2010,” giit niya.

Ngayong nakararanas umano ang bansa ng mataas na ‘inflation rate’,  sinabi ng mambabatas na kailangan na talagang madagdagan ang tulong-pinansiyal para sa senior citizens.

“Congress has to move quickly in raising the pocket money for hard up seniors who are now extremely vulnerable to hunger due to runaway food price inflation,” apela ni Campos.

Subalit, kung hindi umano kakayanin ng pamahalaan na maitaas sa P2,000 ang halaga ng monthly subsidy para sa seniors, iminungkahi ng Makati City congressman na kahit na ang mga nasa 70 taong gulang pataas na lang muna ito maibigay.

“If government cannot afford to provide P2,000 monthly to every indigent senior all at once, we should at least offer the amount to those who are 70 years old and above,” diin ng kongresista.

Nauna rito, naghain si Campos ng House Bill 2653, na nagsusulong na gawing P2,000 ang monthly pension para indigent senior partikukar ang nasa 70 years old pataas. ROMER R. BUTUYAN