NAMAHAGI ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng may P22.9 million na halaga ng mga proyekto na naglalayong madagdagan ang kabuhayan ng farming communities sa tatlong lalawigan sa Zamboanga peninsula.
Kasabay nito ay nag-distribute ang DAR ng 991 certificates of land ownership award (CLOAs) na sumasakop sa 1,422 ektarya ng agricultural lands sa mga lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.
Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng 43 proyekto at 991 CLOAs sa isang simpleng seremonya noong Biyernes sa bayan ng Piñan sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay Castriciones, ang naturang mga proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng iba’t ibang programa ng DAR. Kabilang sa mga proyekto ang post-harvest facilities, food processing centers, reservoirs, warehouses, potable water systems, at pagkakaloob ng farm machines.
“These projects are significant in achieving progress in rural communities. These facilities and farm machines were implemented not only to make life easier for our farmers, but also to sustain the development of their communities,” wika ni Castriciones.
Ang mga proyekto, partikular ang farm machines, ay itinurn-over sa agrarian cooperatives, kung saan mahigit sa 13,000 magsasaka ang mga benepisyaryo, sa mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
Sa kabuuang bilang ng recipients, 5,396 ay agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Pinayuhan ni Castriciones ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang farming cooperatives, isang prerequisite ng gobyerno bago sila maayudahan.
“If you are not yet a member of a cooperative, I am encouraging you to be one because a lot of government support services are given through cooperatives and farm associations,” anang kalihim.
“This is the day for us to be happy, because our farmer-beneficiaries finally received their CLOAs that they have been wanting for a long time,” aniya pa.
Binigyang-diin din ni Castriciones ang pangako ni Presidente Rodrigo Duterte na palakasin ang Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan. PNA
Comments are closed.