P230-M MATITIPID NG BIR

BIR-2

MAKATITIPID ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P230 million taon-taon makaraang simulan ng gobyerno ang pagtanggap ng online payments para sa mga buwis.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang savings ay magmumula sa pagbaba ng transaction fees na sinisingil ng authorized agent banks (AABs).

Ang AABs ay naniningil ng P40 per transaction bago ang scheme, subalit dahil sa online payment ay ibinaba ito sa P25.

“[T]he BIR had bared in its report that the savings of P230 million will come from the lowering of transaction fees charged by authorized agent banks (AABs) from P40.00 to P25.00 under the PESONet-enabled facility,” anang DOF.

Inanunsiyo ng ahensiya noong nakaraang buwan na maaari nang magbayad ang mga Pinoy ng kanilang buwis online gamit ang electronic fund transfer (EFT) service PESONet.

“Under this initiative, the BIR is the first government biller institution to pilot and adopt the interoperable digital bills payment service for tax collection,” wika ni Finance Undersecretary Antonette Tionko.

Inilunsad noong November 2017, ang PESONet o ang Philippine EFT System and Operations Network ang unang automated clearinghouse sa bansa.

“The service allows individuals to digitally transfer funds to any bank in the network, reflected within the same banking day,” ayon sa DOF.

Ang serbisyo ay unang ipinagkaloob ng Land Bank of the Philippines at Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), subalit pla-no ng pamahalaan na palawigin ang serbisyo sa iba pang local lenders.

Comments are closed.