P234-M DAGDAG AYUDA NG US SA MARAWI SIEGE

USAID-1

DINAGDAGAN pa ng US government ng P234 milyon ang kanilang humanitarian assistance na layuning mapalaki at mapabilis ang recovery efforts para sa may 50 katao na naapektuhan ng madugong Marawi siege.

Dahil dito, umaabot na sa P3.4 bilyon o $63.6 milyon  ang kabuuang ayuda ng Estados Unidos para sa recovery efforts sa Marawi City at mga kalapit na bayan.

Inaasahang makatutulong nang malaki ang karagdagang pondo mula sa U.S. Agency for International Development (USAID) sa tinatayang 50,000 internally displaced persons sa  Marawi at 9,000 katao sa  Maguindanao.

“The U.S. government remains committed to supporting the Philippine go­vernment in helping restore normalcy in the lives of the Filipinos affected by the Marawi conflict,” pahayag pa ni US Ambassador Sung Kim.

“This new assistance reflects the strong bond between the U.S. and the Philippines as friends, partners, and allies,” dagdag pa nito.

Nabatid na ang bagong US government resources ay maaari pang magdagdag ng emergency shelter assistance sa may 2,600 individuals mula sa naunang 33,000 individuals na nabiyayaan ng nasabing tulong.

Kasabay nito, palalawa­kin pa ng USAID ang kanilang mga programa sa Marawi City at  Lanao del Sur sa pamamagitan ng  expanded water and sanitation services at pagkakaloob ng safe spaces para mapangalagaan ang mga kababaihan at kabataan laban sa exploitation at violence.

Tumutulong din ang US na maisaayos ang kondisyon sa evacuation centers at  host communities kasabay ng pagkakaloob ng essential maternal, newborn, at child health supplies bukod sa mga pagsasanay sa mga apektadong residente.

Gayundin, nitong mga nakalipas na buwan ay nagbigay din ang US government ng mga  livelihood support sa may 7,500 displaced households, daily water delivery sa may  6,000 internally displaced persons at libo-libong hygiene kits at education sa may 30,000 katao.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.