LAGUNA-MAHIGIT sa P235,000 halaga ng mga iligal na paputok ang sinira sa pamamagiran ng paglubog ng mga ito sa tubig na ginanap mismo sa nasabing kampo sa Sta Cruz.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni PCOL Rogarth Bulalacao Campo, Acting Provincial Director, kasama ang mga tauhan ng PNP Explosive Ordnance Disposal (EOD), at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakababad sa tubig ang mga nakumpiskang iligal na paputok na nagkakahalaga ng 235K sa isang ceremonial disposal ng mga illegal firecrackers at pyrotechnic materials kahapon araw ng lunes sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz.
Nakumpiska ng “IMPLAN PASKUHAN 2021” ng Laguna PPO ang 689 piraso ng kwitis (kabasi), 4 na piraso ng mother rockets (boga), 21 piraso ng large size judas belt (goodbye Philippines), 96 piraso ng ginat whistle bomb,84 piraso ng giant bawang , 10 piraso ng lolo thunder, 147 piraso ng pla-pla, 36 piraso ng five star, 50 piraso ng poppop, 12 piraso ng piccolo na may tinatayang halaga ng mga nakumpiskang paputok dalawang daan at tatlumpu’t limang libo at tatlumpung piso (PhP 235, 030.00)
Ang Laguna PNP ay walang tigil sa isinasagawang operasyon laban sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic device kaugnay ng pagpapatupad ng Rule II ng binagong IRR ng R.A 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices).
Ang IMPLAN PASKUHAN 2021 ay sabay-sabay na isinagawa sa buong probinsya sa Laguna, sumunod sa pagkumpiska ng mga iligal na paputok at paputok na walang permit na ginagamit sa labas ng community fireworks display at upang arestuhin at magsampa ng mga kinakailangang kaso laban sa lahat ng indibidwal na napatunayang lumalabag sa direktiba sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU. at iba pang kinauukulang ahensya.
Sinabi ng PCOL CAMPO, na walang naiulat na insidente sa indiscriminate firing at mga kaugnay na insidente ang Laguna Province sa pagdiriwang ng Bisperas ng Bagong Taon. ” Ito ay dahil sa kautusan ng ating CPNP PGEN Dionardo B Carlos na paigtingin ang police presence sa buong bansa, kaya atin itong pinatupad sa buong probinsya ng Laguna” he also said. EVELYN GARCIA