P236.5-M POLICE EQUIPMENT AYUDA NG JAPAN SA PNP

equipment

CAMP CRAME – HIGH morale ang Philippine National Police (PNP) sa ‘regalo’ ng Japan government sa kanila na mga kagamitan panlaban sa terorismo.

Sa turnover ceremony kahapon, sinabi ni PNP Chief, Director General Oscar Albayade na ang police equipment na donasyon ng Japan ay bahagi ng JPY500-million o katumbas ng P236.5 milyon na foreign aid ng nasabing bansa.

Ang mga kagamitan na kinabibilangan ng anim na yunit ng bomb suit, anim na ballistic shield at 440 units ng ballistic helmet ay ibibigay sa Explosive Ordinance Detection (EOD) upang maging ligtas ang kanilang operasyon at mapalakas pa ang proteksiyon sa mga bomb technicians kapag rumeresponde sa emergencies na sangkot ang mga pampasabog o tangkang explosion.

Noong isang taon ay nakatanggap din ang PNP ng aid package ng police mobile assets na ngayon ay ginagamit sa field operations.

“I formally received more police equipment donated to the PNP by the government of Japan that is part of the JPY500-million (Php236.5-million) foreign aid granted to boost the police capability and operability of the PNP under Japan’s “Economic and Social Development Programme” in support of the Philippine government’s counter-terrorism campaign,” ayon kay Albayalde.

Mismong si Japanese Ambassador H.E. Koji Haneda ang nag-turnover ng police equipment kay Albayalde.

Tiniyak naman ni Albayalde na ang donated equipment ay magagamit para paigtingin ang police capability sa paglalatag ng seguridad para sa kaligtasan ng publiko. EUNICE C.

Comments are closed.