P237-B DAGDAG NA KITA SA ALCOHOL TAX HIKE

ALCOHOL TAX

MAKALILIKOM ang pamahalaan ng dagdag na kita na halos P237 billion sa loob ng limang taon sa sandaling taasan ang buwis sa alcohol products, ayon sa Department of Finance (DOF).

Napag-alaman na inendorso ng DOF ang panukala ni Senador Manny Pacquiao na taasan ang buwis sa mga inuming nakalalasing sa ilalim ng Senate Bill 2197.

Ayon sa DOF, ang panukala ay makalilikom ng P32.3 billion sa unang taon ng implementasyon nito sa 2019, P40 billion sa 2020, P47.4 billion sa 2021, P54.6 billion sa 2022, at P62.4 billion sa 2023.

Sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na ang panukala ay magkakaroon ng inflationary impact na 0.1 percentage points.

“If inflation is, let’s say, 3.2 percent this year as the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) projects, then the additional inflation will be 0.1, so 3.3 percent,” ani Chua.

Sa ilalim ng SB 2197 ay ipapataw ang ad valorem tax na katumbas ng 25 percent ng net retail price (hindi kasama ang value added tax at excise tax) per proof, at specific tax  na  P40 per proof liter sa distilled spirits simula sa 2019.

Sa sandaling ipatupad, ang specific tax ay tataas ng P5 per proof liter taon-taon hanggang sa 2022, at tataasan ng 10 percent kada taon simula sa 2023.

Magpapataw rin ito ng P335 tax sa sparkling wines at champagne para sa mga nagkakahalaga ng P500 o mas mababa pa per 750-milliliter bottle, at P937 para sa mga nagkakahalaga ng mahigit sa P500.

“Still wines and carbonated wines containing 14 percent of alcohol or less will be taxed P40 per bottle, while those over 14 percent but less than 25 percent alcohol by volume will be taxed P80. Such taxes will increase by 10 percent yearly after 2020,” ayon sa DOF.

“Fortified wines containing more than 23 percent of alcohol by volume will be taxed as distilled spirits,” dagdag pa nito.

Comments are closed.