P24-M IMPORTED ONIONS KUMPISKADO

SUBIC BAY FREEPORT — Umaabot sa P24 milyong halaga ng fresh onions mula sa 12 container vans na idineklarang tinapay ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic noong Lunes.

Ayon kay Subic Customs collector Marites Martin, dumating ang nasabing cargo sa Subic port mula sa China kung saan naka-consigne sa dalawang port users na Thousand Sunny at Dua Te Mira.

Nakasaad sa manifesto na ang laman ng. 12 40-footer refrigerated container vans ay frozen chapati bread (flat Indian bread).

Dito na nagdesisyon ang BOC na ang cargo ay inabandona dahil walang kumuha at walang proof of ownership ng shipment.

Nang magsagawa ng inspection ang BOC sa New Container Terminal kung saan tumayong saksi sina Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma T. Eisma, Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Ronnel Abrenica, at DENR field inspector Tom Muñoz.

Saku-sakong fresh onions ang lumantad mula sa containers vans kung saan nadiskubre rin na may global positioning system (GPS) tracking device.

Ayon kay Martin, ito ang kauna unahang shipment na kinabitan ng GPS tracking devise sa container vans.

Pinayuhan naman ni SBMA Chairman Eisma si Martin at Muñoz na ipamahagi na lamang ang nasabing cargo sa maralitang pamilya o charity institutions imbes na wasakin. MHAR BASCO

61 thoughts on “P24-M IMPORTED ONIONS KUMPISKADO”

  1. 973175 747777An attention-grabbing discussion is worth comment. I believe that you really should write a lot more on this matter, it wont be a taboo topic nevertheless normally persons are not sufficient to talk on such topics. To the next. Cheers 212681

  2. 404634 352013Greetings! Quick question thats completely off topic. Do you know how to make your internet site mobile friendly? My internet site looks weird when browsing from my apple iphone. Im trying to uncover a template or plugin that might be able to correct this concern. Should you have any suggestions, please share. With thanks! 647185

Comments are closed.