IBINALIK na ng sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang mahigit sa P245 milyong unrefunded terminal fees.
Ang naturang halaga ay ang hindi naisauling terminal fee ng 212,100 international passengers na bumiyahe mula noong Pebrero 1, 2015 hanggang Abril 30, 2018.
Kasama rin dito ang mga hindi nakuhang terminal fee ng mga domestic passenger sa kaparehong panahon.
“We thank Cebu Pacific and Cebgo for taking the lead on this. I am confident that the rest would follow soon,” wika ni MIAA General Manager Ed Monreal.
Magugunitang isinama ang Passengers Service Charge (PSC) o ang tinatawag na terminal fee sa airline tickets para sa domestic flights noong Agosto 1, 2012 at para sa international flights noong Pebrero 1, 2015.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement at Implementing Guidelines sa pagitan ng MIAA at ng airlines companies sa usaping ng PSC integration project, ang airlines companies ay inaatasan na isauli ang kanilang nakolektang terminal fees mula sa kanilang mga pasahero. FROILAN MORALLOS / PILIPINO Mirror