P24M WATER IMPOUNDING PROJECT PINASINAYAAN

William Dar

CAGAYAN-PORMAL na dumalaw sa Region 2 si Agriculture Secretary William Dar upang pinasinayaan ang Small Water Impounding Project (SWIP) para sa mga magsasaka sa Barangay Capalutan, Allacapan ng nabangit na lalawigan

Ang proyekto ay pinondohan ng P24 milyong kung saan sinimulan ang konstruksiyon nito noong Marso 2019 at inaasahang matatapos sa November 2020 na umabot sa 100 ektarya ng sakahang palay ang kayang saklawan ng SWIP at 75 na mga magsasakang kabilang sa Arapaap Small Water Irrigators System Association ang maseserbisyuhan nito.

Bukod dito, ani Dar, makakatanggap din ang mga magsasaka ng binhi at iba pang inputs para sa rice, high value crop at livestock na nagkakahalaga ng P10.9 milyon sa ilalim ng proyekto ng SWIP na malaking tulong sa mga magsasaka lalo na sa rainfed areas dahil madali na silang magkakaroon ng tubig na hindi na magdedepende sa ulan.

Kasabay nito, nagtungo din ang kalihim sa Isabela upang pangunahan ang pagkakaloob ng walong unit ng hand tractors units para sa apat na FCA Cooperators ang DA.

Gayundin, tatlong hand tractor at vegetable seedlings ang ipinamahagi sa rebel returnees sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Isinagawa ang aktibidad sa loob mismo ng PHILRICE Malasin, San Mateo, Isabela na dinaluhan nina Governor Rodolfo Albano, Vice Governor Faustino ‘’Bojie’’ Dy, III mga alkade at mga kinatawan ng bawat distrito ng nasabing lalawigan. IRENE  GONZALES

Comments are closed.