P25 KILO BIGAS NASUMPUNGAN

masalamin logo

SA ating pag-ikot sa Quezon City Circle ating nasumpungan ang isang sulok ng Kadiwa Store na pinagkakaguluhan at pinipilahan ng nga tao. Nang ating sipatin ay tumambad sa atin kung ano ang animo rockstar na pinalilibutan ng ating mga kababayan: P25 kada kilo ng bigas.

Paano ba namang hindi pagkakaguluhan ang P25 kada kilo na bigas, ang presyo talaga ng bigas sa merkado ay nasa P45 kada kilo ang pinakamura at umaabot pa sa P86 kada kilo sa mga palengke pa ‘yan.

Paano nagawa ‘yang P25 kada kilo ng bigas? Nang ating imbestigahan, ang sikreto pala ay ang paggamit ng mainam na soil conditioner at bio-fertilizer na tatak Unigrow.

Ano bang meron dyan sa Unigrow at kayang gawing P25 kada kilo ang bigas? Una ay halos pina-dodoble nito ang laki ng ani. Ikalawa ay pinalulusog nito ang lupa. Ikatlo ay ginagawa nitong ligtas ang mga sakahan dahil walang mga kemikal at pesticide na lason ang mga ito na nakasasama pa sa kalusugan ng mga magsasaka.

Bakit hindi na lang Unigrow ang gamitin ng lahat ng magsasaka para ligtas sila at masagana ang ani? Nakasanayan na kasi ng ating mga regulator at magsasaka ang pag-endorso at paggamit ng mga synthetic fertilizer at mga pesticide na lubhang mahal at nakasisira sa kapaligiran.

Sa isa pang mas malalimang pag-iimbestiga, napag-alaman nating ang Unigrow pala ang palagiang nananalo sa pambansang “rice derby” na tuloy-tuloy na isinasagawa ng PhilRice sa iba’t ibang parte ng bansa at nasa ikatlong taon na ngayon.

Kung bakit Unigrow ang patuloy na nananalo sa epikong “rice derby” ay dahil na nga rin sa tibay na ipinapakita ng mga pananim at masigabong ani sa mga sakahang ginagamitan ng Unigrow.

Dapat lamang sana na ang ipinapagamit sa mga magsasaka na ginagastusan ng bilyon-bilyong piso ay ‘yung mga sumasali diyan sa rice derby, lalo na sana ‘yung mga nag-cha-champion. Kapagka ganyan, hindi malayong hindi na mag-import ng bigas ang Pilipinas, bagkus ay malamang mag-export na, at ang presyo na niyan sa ating mga pamilihan ay hindi malayong P25 na kada kilo lahat, maaari pa ngang maging P20 na lamang kada kilo.

Malamang sa malamang ‘yan mga kasalamin.